MGA URI NG TULA
A. Ayon sa Kaanyuan
· Tulang pasalaysay o buhay – Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito.
Nahahati ang mga tulang pasalaysay sa mga sumusunod:
1. Epiko – Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi kapani-paniwala sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob. Mauuri ang epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o pampanitikan at pakutya.
2. Awit (song) at korido – Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila. Ang mga paksa nito ay hinango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o pakikipagsapalaran. Ang mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya ng hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa.
3. Balad – Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit. Naglalaman ito ng madamdaming pagsalaysay.
· Tulang pandamdamin o liriko – Nagpapahayag ang mga tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o ng kaya ay ng ibang tao. Maaari rin iton likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at medaling maunawaan.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng tulang pandamdamin/liriko.
1. Awit – Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig, kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
2. Soneto[1] – Ito ay tulang may 14 na taludtod. Naglalaman ito ng damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa mambabasa sa kabuuan.
3. Oda – Nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang masiglang damdamin. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
4. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
5. Pastoral – Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.
6. Dalit – Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay.
· Tulang pandulaan – Naglalarawan ito ng madudulang pangyayari na halos katulad ng nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay upang itanghal.
· Tulang sagutan / patnigan – Ito ay mga tulang pampagtatalo at pangangatwiran. Ang mga halimbawa nito ay duplo, karagatan, balagtasan at batutian.
B. Ayon sa Kayarian
· Matanda o makalumang tula – Binubuo ang tulang ito ng mga taludtod na may sukat at tugma. Ito ang pamamaraang ginamit ng mga kilalang makatang Tagalog.
· Malayang taludturan o free verse – Nabibilang ditto ang mga tulang walang sukat at walang tugama. Isa itong paghihimagsik sa “makipot” na bakod ng matandang panulaan.
· Tula sa tuluyan – Ang tula ay tunay na tuluyan o prosa ngunit ang diwang nakapaloob ay masagisag. Maiikli at matayutay ang ginagamit na pananalita gaya rin ng isang tunay na tula.
· Di-tugmaang tula – Nagtataglay ang tulang ito ng sukat subalit walang tugma. Hindi ito gaanong gamitin sa ating panulaan.
C. Ayon sa Layon
· Mapaglarawan – naglalarawan ng pagpapahalaga o pagkamuhi ng makata o may-akda sa isang kalagayan, pook o pangyayari.
· Mapagpanuto – namamatnubay, nagtuturo o nagpapayo ng isang ara sa pamamagitan ng mga taludtod.
· Mapang-aliw – nagbibigay – aliw o lumilibang sa mga mambabasa. Maaaring ito ay nagpapatawa, nanunudyo o isang masagisag na palaisipan.
· Mapang-uroy – nangungutya ito o namumuna ng mga kamalian o kasamaan ng isang bagay, ng kahangalan ng isang tao at mga pagkalulong sa isang hindi magandang bagay.
D. Ayon sa Pamamaraan
· Masagisag – gumagamit ang makata ang mga simbolo o pahiwatig sa pagpapakahulugan ng kanyang akda.
· Imahistiko – ipinahahayag ng makata ang kanyang kaisipan at damdamin sa paggamit ng mga imahen at larawang-diwa.
· Makatotohanan – tinutukoy ng makata ang kalagayan ng tunay na buhay sa daigdig o ng nakikita ng ating dalawang mata.
· Makabaghan / surealistiko – ang makata’y gumagamit ng mga pangitain at galaw ng isang isipang nahihibang at wala sa wastong kamalayan.
E. Ayon sa Bisa
· Madamdamin – ang makata tumutukoy sa mararangal na damdiming gamit ang tula. Inilalarawan niya ang isang masining na kagandahan.
· Mabulaybulay – matimpi o pigil ang damdaming inilalahad ng makata at umaalinsunod sa pagbubulaybulay o repleksyon ng isang bukas na isipan.
F. Ayon sa Kaukulan
· Mabigat – mataas ang uri. Mabigat ang tema at diwa. Ito ay isang mataas na uring pampanitikan.
· Pampagkakataon o pang-okasyon ito ay mga tulang pambigkasan na ginagamit sa koronasyon, luksang lamayan, mga kaarawan at mga pagdiriwang ng bayani at araw ng pangilin.
· Magaan – hindi gaanong mataas ang uri. Medaling isipin at karaniwan sa mga bugtungan at tulang pambata.
thank you :))
ReplyDeletevery helpful! thank you!!! :D
ReplyDeletesalamat
ReplyDeletesalamat
ReplyDeleteMagandang hapun po! Maaari po bang makahingi ng sample na mga tula sa letrang D na "Ayon sa Pamamaraan"?
ReplyDeleteSubukin mo ang mga tula ni jose corazon de jesus o amado hernandez. Sa surealistiko tingnan mo delirium ni salvador barros.
ReplyDeleteIyong mga akda nina jose corazon de jesus at amado v. hernandez ay available sa internet at sa mga aklat panitikan. Yung delirium ay mababasa sa Walong Dekada ng Tulang Tagalog.
DeleteThank you very much!
ReplyDeleteMaraming salamat nakatulong upang masagot ang aming takdang aralin.
ReplyDelete#Fil.Maj.Fighting
thank u...... it helps me a lot to do my assignment
ReplyDeleteThanl you so much! God Bless!
ReplyDeletesalamat! 😊
ReplyDelete