Posts

Showing posts with the label maikling kwento

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

1.   Mga Mungkahi Upang Madaling Makapagsulat ng Kwento Hinihingi na ng guro ang iyong proyektong kwento? Wala ka pang naisusulat. Wag kang magmukmok. Heto ang ilang punto upang makabuo ka ng sariling kwento. Tandaan: Huwag kang mangongopya ng kwento ng iba, maaari kang humiram ng ideya subalit hindi ng buong obra. a.    Sino ang iyong pangunahing tauhan (protagonista)? Ano ang gusto niyang gawin? b.   Ano ang mga gagawin niyang pagkilos upang matupad ang kanyang nais na mangyari? c.    Ano ang mga hindi inaasahang pangyayari – kaugnay sa ikinilos protagonist – ang magpapaigting sa damdamin ng kwento? d.   Anu-anong mga detalye sa tagpuan, usapan at umiiral na damdamin ang makatutulong upang mabuo mo ang iyong kwento? e.    Anong desisyon ang gagawin ng iyong tauhan sa kasukdulan ng kwento? (Nararapat lamang na makatarungan ang desisyong ito at hindi inaasahan ng mga mambabasa.)Ipakita ito ...

LEKTYUR O PANAYAM SA SINING NG MAIKLING KWENTO

1.     Tauhan - Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento. Sila ay may mga motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan. 2.     Mga Uri ng Tauhan Tauhang Lapad  (Flat) - Ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o karaniwan ang kanyang karakter. Tauhang  Bilog (Round) - Ang tauhang bilog ay may kalaliman ang pag-iisip na ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya. May iba’t iba siyang mga katangian na mahirap makilala. Kailangang tuklasin di tulad ng lapad na tauhan na may katangiang litaw na litaw. Tauhang Static (Hindi Nagbabago) - Napananatili nila ang kanilang katangian sa kabuuan ng kwento. Tauhang Dynamic (Nagbabago) - Tauhang nagbabago, naliliwanagan, umuusbong o nasisira. 3.     Uri ng Pagsasatauhan a.     Pisikal na kilos o anyo b.     Pag-iisip at paniniwala ...