LEKTYUR O PANAYAM SA SINING NG MAIKLING KWENTO
1. Tauhan - Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento. Sila ay may mga motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan. 2. Mga Uri ng Tauhan Tauhang Lapad (Flat) - Ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o karaniwan ang kanyang karakter. Tauhang Bilog (Round) - Ang tauhang bilog ay may kalaliman ang pag-iisip na ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya. May iba’t iba siyang mga katangian na mahirap makilala. Kailangang tuklasin di tulad ng lapad na tauhan na may katangiang litaw na litaw. Tauhang Static (Hindi Nagbabago) - Napananatili nila ang kanilang katangian sa kabuuan ng kwento. Tauhang Dynamic (Nagbabago) - Tauhang nagbabago, naliliwanagan, umuusbong o nasisira. 3. Uri ng Pagsasatauhan a. Pisikal na kilos o anyo b. Pag-iisip at paniniwala ...