Mga Arketayp o Arketipong Simbolo
Mga Arketayp/
Arketipong Simbolo - Ang mga arketayp ay kadalasang kinakatawan sa sining at
panitikan bilang mga simbolo.
Ang ilang
karaniwang arketayp ay ang mga sumusunod:
1. Tubig - Kumakatawan sa ilang ideya tulad ng: kahiwagaan ng paglalang; pagsilang – kamatayan – muling pagkabuhay; paglilinis at/o pagliligtas; pagkamabunga at paglago.
1. Tubig - Kumakatawan sa ilang ideya tulad ng: kahiwagaan ng paglalang; pagsilang – kamatayan – muling pagkabuhay; paglilinis at/o pagliligtas; pagkamabunga at paglago.
a.
Ang Dagat- ang Ina ng Buhay; kahiwagaan
ispiritwal at kawalang-hanggan; kamatayan at pagkabuhay; panghabambuhay; ang
kawalang-malay.
b.
Mga Ilog - kamatayan at pagkabuhay muli;
pagbibinyag; ang pagdaloy ng panahon; transisyon ng siklo ng buhay; paglalang
ng mga diyus-diyusan.
2. Ang Araw (Ang Apoy at Kalangitan ay lubhang magkaugnay) - Ang
araw ay kumakatawan sa enerhiyang malikhain; batas ng kalikasan; kamalayan
(pag-iisip, kaliwanagan ng isip,
karunungan, pananaw ispiritwal); prinsipyo ng ama; paglipas ng panahon at
buhay
a.
Pagsikat ng araw- pagsilang, paglalang at kaliwanagan
ng isip
b.
Paglubog ng araw-kamatayan
3. Mga Kulay
a.
Itim - kadiliman, kaguluhan, misteryo, ang hindi
kilala, kamatayan, kawalang-malay, kalungkutan
b.
Pula- dugo, sakripisyo, karahasan, silakbo,
kawalang-kaayusan, kagandahan
c.
Lunti- pag-usbong, mga pandama, pag-asa,
kalikasan
d.
Asul - kapanatagan, ang dagat, tubig,
kapayapaan, lamig
e.
Lila- pagiging maharlika
f.
Dilaw-liwanag, ang araw, pag-asa
g.
Puti- kabutihan, kapayapaan, ispiritwalidad
4. Bilog - Ang bilog ay nangangahulugan ng kabuuan;
pagkakaisa, kawalang hanggan ng Diyos, buhay sa primitibong anyo,
pagsasanib ng kamalayan at kawalang-malay. Ang bilog ay ang hugis na
iniuugnay sa mga babae.
a.
Ang Dakilang Ina, Ang Mabuting Ina, or Inang
Daigdig-nagpapakahulugan ng pagsilang, proteksyon, pagkamagiliw, pagkamabunga,
pag-unlad, kasaganahan, kawalang-malay
b.
Ang Masamang Ina- ang mangkukulan, ang manggagaway, ang sirena; iniuugnay sa takot,
panganib, kamatayan, kapangyarihan sa kasamaan.
c.
Ang Soul Mate -isang prinsesa o magandang
dalaga, ang musa at kagalakang ispiritwal
d.
Ang Manunukso - isang kaaakit-akit na babaeng hahadlang sa
bayani, pang-abala, paggambala, kapangyarihan ng kasamaan
6. Ang Hangin at Hininga - inspirasyon, paglilihi, kaluluwa
o ispirito.8. Hardin - paraiso, Eden, pagiging inosente, kagandahang likas, pagkamabunga.
- Disyerto - kawalang ispiritwalidad, kamatayan,
kawalang-pag-asa
Archetypal Motifs: Padron ng Simbolo
- Paglalalang
- Kawalang - Kamatayan
- Arketipong Bayani
- Mga Panahon / Siklo ng Buhay
1. Ang Paglalalang - Ang pinakapangunahin sa mga arketipong padron.
Halos lahat ng mitolohiya ay may nasusulat tungkol sa paglalang ng
kalawakan, kalikasan at tao na nilikha ng mga sobrenatural na mga
Manlilikha. Halimbawa: Mitolohiya ng Lumang Babilonya – Marduk o
Kasaysayan ng Paglalalang mula sa Genesis.
2. Kawalang-Kamatayan - May dalawang porma ng pagsasalaysay.
- Pagtakas sa panahon : ang pagbabalik sa
Paraiso (estado ng panghabambuhay na kapayapaan na tinamasa bago pa
nagkasala at sumama ang tao)
- Hindi Matapus-tapos na Kamatayan at muling
pagkabuhay; natatamo ng tao ang imortalidad sa pagharap sa malawak at
mahiwagang ritmo ng Kalikasan, tulad ng siklo ng mga panahon.
- Ang Paghahanap (Quest) – ang bayani
(tagapagligtas) ay magsasagawa ng mahabang paglalakbay kung saan
kailangang makagawa siya ng mga kahanga-hanging bagay tulad ng
pakikilaban sa mga halimaw, pagsagot sa mga mahihirap na bugtong,
pagtatagumpay sa mahihirap na pagsubok upang iligtas ang isang kahariaan
at mapakasalan ang prinsesa.
- Inisasyon – ang bayani ay sasailalim sa
mahihirap na pagsubog upang mula sa umunlad ang kahiyang pag-iisip
at pag-uugali. Ito ay may tatlong
antas: pagkakahiwalay, Pagbabago-anyo, at Pagbabalik – tulad ng
pagkamatay at muling pagkabuhay
- The Sacrificial Scapegoat (Ang Handog na Kordero): ang bayani ay kinakailang mamatay upang mapangalagaan ang kabutihan ng tribo o bayan. Kinakailangan niyang matamo ang pagliligtas ng kasalanan ng mga tao upang mabalik sila sa buhay na masagana.
- Ang Bukang-Liwayway, Tagsibol, at Panahon ng
Pagsilang
- Ang Tugatog, Tag-araw, at Panahon ng Kasal o Pagtatagumpay
- Ang Takipsilim, Taglagas, at Panahon ng Kamatayan
- Ang Kadiliman, Taglamig, at Panahon ng Pagkalusaw
(dissolution)
Mga Siklo ng Buhay
- Ang Bukang-Liwayway, Tagsibol, at Panahon ng Pagsilang

- Ang Tugatog, Tag-araw, at Panahon ng Kasal o Pagtatagumpay

- Ang Takipsilim, Taglagas, at Panahon ng Kamatayan

- Ang Kadiliman, Taglamig, at Panahon ng Pagkalusaw
(dissolution)

Comments
Post a Comment