TULA SA PAGLIPAS NG PANAHON
Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulain dahil sa mga sumusunod na dahilan: 1. Mula pa sa kanyang pagkasilang ay inaawitan na siya ng mga kantahing-bayan . Matulog na aking bunso, ang ina mo ay malayo hindi ko naman masundo may putik, may balaho. 2. Ang pangangaral ng nakatatanda ay kadalasang patula tulad ng mga salawikain at kasabihan . Ang lumalakad nang matulin Kung matinik ay malalim. 3. Gustung-gusto rin niya ang mga larong pahulaan kagaya ng bugtong at palaisipan . Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis. (sili) 4. Naranasan din niyang sumali sa mga dulang patula katulad ng duplo at karagatan . a. Duplo – isang pagtatalong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan at ito’y pagtatalo tungkol sa kung sino ang nagnakaw o pumatay sa loro ng hari. Patalasan ito ng is...