TULA SA PAGLIPAS NG PANAHON

Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulain dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1.       Mula pa sa kanyang pagkasilang ay inaawitan na siya ng mga kantahing-bayan.
Matulog na aking bunso,
ang ina mo ay malayo
hindi ko naman masundo
may putik, may balaho.
2.       Ang pangangaral ng nakatatanda ay kadalasang patula tulad ng mga salawikain at kasabihan.
Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.
3.       Gustung-gusto rin niya ang mga larong pahulaan kagaya ng bugtong at palaisipan.
Isda ko sa Mariveles,
nasa loob ang kaliskis. (sili)
4.       Naranasan din niyang sumali sa mga dulang patula katulad ng duplo at karagatan.
a.       Duplo – isang pagtatalong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan at ito’y pagtatalo tungkol sa kung sino ang nagnakaw o pumatay sa loro ng hari. Patalasan ito ng isipan at talagang pinaghahandaan.

b.       Karagatan – isang larong patula na kadalasang ginagawa sa lamayan. Ito’y umiikot sa pagpapasikatan ng kabinataan sa husay ng pagtula at dami ng nilalaman upang maakit ang kadalagahan. Kung hindi gusto ng “prinsesa” ang binatang nagwagi sa pagsisid ay maaaring ganito ang kanyang sabihin.
5.       Nakaririnig din siya ng mga tulang mapanudyo lalo sa gabing naglalaro siya na maliwanag ang buwan. Tinatawag din itong tulansangan (tula + lansangan).
Bubuka ang bulaklak
Sasara ang bulaklak
Papasok ang reyna
Kekendeng-kendeng pa
Bum ti la la bum ti la la bum ye ye
Bum ti la la bum ti la la bum ye ye
6.       Noong pumasok ang mga Kastila ay natuto rin siyang isalaysay ang paglalang, paghihirap at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng pasyon.
7.       Mula sa sinaunang pagtatalo ay lumitaw ang Balagtasan at Batutian.
a.       Balagtasan – padulang pagtatalo na parangal kay Balagtas.
b.       Batutian – padulang pagtatalo parangal kay Jose Corazon de Jesus.

Sa kasalukuyang panahon ay makikita pa rin ang paraang patula sa mga rap o sa modernong pagtatalo gaya ng Flip Top

Comments

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya