Ano ang tula?

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga depinisyon o katuturang ibinahagi ng ilang kilalang makata sa Pilipinas man o sa buong mundo.
A.       Julian Cruz Balmaceda – Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan,  kariktan, ng kadakilaan; tatlong bagay na kailangan magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.
B.       IƱigo Ed Regalado – Ang tula’y kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tanang kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.
C.       Rufino Alejandro – Ang tula ay likha at ang makata ang manlilikha.
D.      Amado V. Hernandes – Ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di pawang halimuyak, silahis, agiw-iw at taginting.
E.       Lope K. Santos – Ang tula ay isang uri ng salaysay na may sukat, tugma, kariktan at talinhaga.
F.       Lord Macaulay (halaw ni F. Monleon) – Ang pagtula’y paggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang kasaklawan ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na may sining, pagsama-samahin man ang mga iyon.
G.       Edith Sitwell (halaw ni A. Abadilla) – Ang tula ay kamalayang napasigasig (heightened consciousness).
H.      Alexander Pope – Higit na marangal ang katotohanan kung nakadamit ng tula.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya