Posts

Showing posts with the label alegorya

Simbolismo at Alegorya

Ano ang sagisag o simbolo? Ang simbolo ay isang ordinayong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Saan nagmula ang mga simbolo? a.     Mga karaniwang simbolo – ay mga namana o ipinamana sa atin mula  pa sa iba’t ibang salin-lahi. Kilalang-kilala o madaling tandaan ang mga simbolong ito at kadalasang natatagpuan sa sining o literatura. Halimbawa: pusang itim (malas), kalapati (kapayapaan), puso (pag-ibig), atb. b.    Mga Simbolong Nilikha – ang mga ito ay nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang maipahayag ang kanilang ideya. Kapag naging kilala na ang mga ito ay nagiging karaniwang simbolo na rin. Halimbawa – Maria Clara (mahinhing Pilipina), Sisa (baliw) Saan natin nakuha ang mga simbolo? Mga Simbolo sa Panitikan - gumagamit ng simbolo ang manunulat upang •          magpahayag ng kahulugang hindi kayang ipahayag ng literal na pagpapakahul...