LEKTYUR O PANAYAM SA SINING NG MAIKLING KWENTO



1.   Tauhan - Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento. Sila ay may mga motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan.


2.    Mga Uri ng Tauhan
  1. Tauhang Lapad  (Flat) - Ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o karaniwan ang kanyang karakter.
  2. Tauhang  Bilog (Round) - Ang tauhang bilog ay may kalaliman ang pag-iisip na ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya. May iba’t iba siyang mga katangian na mahirap makilala. Kailangang tuklasin di tulad ng lapad na tauhan na may katangiang litaw na litaw.Tauhang Static (Hindi Nagbabago) - Napananatili nila ang kanilang katangian sa kabuuan ng kwento.
  3. Tauhang Dynamic (Nagbabago) - Tauhang nagbabago, naliliwanagan, umuusbong o nasisira.
3.    Uri ng Pagsasatauhan
a.    Pisikal na kilos o anyo
b.    Pag-iisip at paniniwala
c.    Asal at reaksyon sa sitwasyon
d.    Pananalita at komentaryo
e.    Impresyon sa kanya ng ibang tauhan
f.     Larawang-diwa at mga simbolo


4.    Paglalarawan ng Tagpuan
a.    Lugar – heograpikal na lokasyon
b.    Oras – makasaysayang panahon, oras, araw, taon atb.
c.    Kondisyon ng panahon
d.    Panlipunang kondisyon
e.    Mood o atmospera


5.    Uri ng Tunggalian
a.    Tao laban sa tao
b.    Tao laban sa kalikasan (o teknolohiya)
c.    Tao laban sa sarili
d.    Tao laban sa lipunan
e.    Tao laban sa pwersang sobrenatural

6.    Ang Usapan sa Kuwento
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:
·         pagiging natural
·         angkop ang tauhang nagsasalita
·         angkop na pangyayari
·         pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento

       
7.    PANANAW -[1] Sino ang nagsasalaysay sa maikling kwento?
a.    Unang panauhan “Ako” - Ang tagapagsalaysay ay tauhan sa kwento kaya ang mga mambabasa ay makikita ang mga pangyayari at bagay-bagay sa kanyang pananaw.
b.    Ikatlong panauhan “Siya/Sila” - Ang tagapagsalaysay ay limitado lamang ang paglalalhad sa kanyang nakikita. Hindi niya mababasa ang iniisip ng tauhan gayundin ang damdaming taglay nito. Maaari itong “limited” o “objective”
c.    Mala-Diyos (OMNISCIENT) - Ito ay gumagamit din ng ikatlong panauhan subalit hinidi lamang limitado ang kanyang pagsasalaysay sa nakikitang panlabas na kilos ng tauhan. Nababasa niya ang isipan at natutukoy and damdamin ng mga ito.

8. Paningin[2] – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento. Nakikilala rito ang mga sumusunod:
a.    paglikha ng nagsasalaysay
b.    ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay
c.    ang taong pinagsasalaysayan nito.
d.    ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay
e.    kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

8.    Mga Uri ng Paningin:
·         Unang Panauhan
o   Paninging panarili
·         Ikatlong Panauhan
o   Tinakdaang Paningin
o   Obhektibong Paningin
o   Lagumang Paningin


  1. PANINGIN SA UNANG PANAUHAN – ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan  ng unang panauhang “ako”
    • PANINGING PANARILI – isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o “stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi ginagamit ang panghalip na “ako”.

  1. PANINGIN SA PANGATLONG PANAUHAN – ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago.
    • TINAKDAANG OBHETIBONG PANINGIN – ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento. Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya’y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang tagapagsalaysay. (Limited Omniscient)
    • OBHETIBONG PANINGIN O PANINGING PALAYON – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay-puna o paliwanag. Tumatayong       tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang  ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama. (Objective Omniscient)
    • PANINGING LAGUMAN – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagaman hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan maliban sa pangunahing tauhan (Omniscient )

9.    Iba Pang Teknik o Pamamaraang Maaring Gamitin sa Pagbuo ng Kwento
  1. Pagbibigay-Pahiwatig - Ang pagbibigay ng pahiwatig ay isang paraan upang ihanda ang mga mambabasa sa kung ano ang mag susunod na pangyayari sa kwento. Ang manunulat at maaring maging mahusay sa pagbibigay ng pahiwatig tulad ng mga paparating na bagyo na magmumungkahi ng panganib na darating. Maaari ring direktang sasabihin ng tauhan ang tungkol sa kabutihan ng kamatayan kaysa mawalay sa isa’t isa. Minsan ang may-akda ay gumagamit ng huwad na mga pahiwatig upang iligaw ang mambabasa. Tinatawag itong "red herrings," sa Ingles at madalas itong ginagamit sa pagsulat ng misteryo.

·         Layunin ng Pagbibigay-Pahiwatig
o   Maragdagan ang  dramatikong pag-igting ng kwento sa pamamagitan ng pagbuo ng pag-asa tungkol sa mangyayari sa kwento.
o   Lumilikha ng kapanabikan upang ihatid ang impormasyon na tutulong sa mga mambabasa na maunawaan kung ano susunod na mangyayari.
·         Pamamaraan ng Pagpapahiwatig : Maglagay ng mga pahiwatig, parehong mahiwaga at direkta sa teksto.
o   Bigyan ang mga mambabasa na direktang impormasyon sa pamamagitan ng pagsasabi ng isang nalalapit na kaganapan o nagpapaliwanag ng mga plano ng mga tauhan.
o   Ilagay ang mga pahiwatig sa unang ilang mga pangungusap ng isang kuwento o kabanata upang ipahiwatig ang mga tema na magiging mahalaga sa kwento.
o   Ilarawan ang reksyon ng tauhan sa mga bagay sa kanilang kapaligiran upang ipakitang magiging mahalaga ito sa takbo ng pangyayari.
o   Gamitin ang mga pagbabago sa panahon o kondisyon upang iparamdam kung mabuti o masamang kapalaran ang susunod na pangyayari.

  1. Pagbabalik-tanaw - Ang paglipat ng isang kuwento sa isang mas maagang kaganapan na pumipigil sa normal na daloy o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
  2. Frame Story - Ito ay isang pampanitikang pamamaraan na minsan na nagsisilbi bilang isang bahagi o kasamahan ng isang kuwento sa loob ng isang kuwento. Kung minsan ay mayroon itong pambungad o panimulang pagsasalaysay upang ihanda ang mga mambabasa sa ikalawang kuwento. Dadalhin nito ang mambabasa ng unang kwento sa ibang mumunti o bagong kwentong napapaloob dito.
  3. Deus Ex Machina - Isang uri ng paglalahad ng banghay kung saan ang isang problemang tila wala nang kalutasan ay malulutas sa isang kamangha-mangha at hindi inaasahang pamamaraan tulad ng pagdating ng bagong tauhan, o bagong kaganapan, kakayahan o bagay.
  4. Daloy ng Kamalayan- Ito ay isang pamamaraan sa literatura kung saan Itinatala ang sari-saring saloobin at damdamin ng isang tauhan na walang malinaw o lohikal na argumento o  pagkakaayos ng pagsasalaysay. Ginagamit ito ng manunulat upang sumubok ipakita ang mga pwersang panlabas man o panloob na nakaiimpluwensya sa ugali ng isang tauhan sa isang kaganapan o pagkakataon.

MGA TIPS SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO
  • Paglalarawang-Tauhan*[3]
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan:
    • paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan
    • paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
    • paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan
    • tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan    
    • paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga kasangkapang kanyang ginagamit     
    • paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang kinakaharap
    • paglalarawan ng mga sinasabi ng ibang mga tauhan tungkol sa isang tauhang tinitukoy sa kuwento
    • paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan               
  • Masining na Pagsulat[4]
May tatlong paraan ang masining na pagsulat.
·         Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang
·         Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian sa pananalita.
·         Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin 



[1] PLUMA IV – Phoenix Publishing House, Inc.
[2] Allan Ortiz “Handout sa Maikling Kwento at Pagsulat ng Maikling Kwento”
[3] Do
[4] do

Comments

  1. Best 777 Casino Near Reno - Mapyro
    The 속초 출장안마 casinos in the area of 김해 출장마사지 Reno are 동두천 출장안마 a mix of 아산 출장마사지 different types of casinos and 여수 출장안마 hotel rooms, but the ones that are close to each other are probably

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya