Simbolismo at Alegorya




Ano ang sagisag o simbolo?
Ang simbolo ay isang ordinayong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.

Saan nagmula ang mga simbolo?
a.    Mga karaniwang simbolo – ay mga namana o ipinamana sa atin mula  pa sa iba’t ibang salin-lahi. Kilalang-kilala o madaling tandaan ang mga simbolong ito at kadalasang natatagpuan sa sining o literatura. Halimbawa: pusang itim (malas), kalapati (kapayapaan), puso (pag-ibig), atb.
b.   Mga Simbolong Nilikha – ang mga ito ay nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang maipahayag ang kanilang ideya. Kapag naging kilala na ang mga ito ay nagiging karaniwang simbolo na rin. Halimbawa – Maria Clara (mahinhing Pilipina), Sisa (baliw)

Saan natin nakuha ang mga simbolo?

Mga Simbolo sa Panitikan - gumagamit ng simbolo ang manunulat upang
         magpahayag ng kahulugang hindi kayang ipahayag ng literal na pagpapakahulugan,
         makuhang ganap ang emosyon at imahinasyon ng mga mambabasa, at
         mapayaman at madaling matandaan ang kanilang kwento

Alegorya

Alegorya —isang kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan. Ito ay maaaring magpahayag ng ideyang abstract, mabubuting kaugalian, at tauhan o pangyayaring makasaysayan

Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamamaraan: literal at simboliko o masagisag. Ang alegorya ay nilikha upang magturo ng mabuting asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan o kasamaan

Ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari atb. sa isang alegorya at may mahalagang sinasagisag. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon buhat sa Banal na Aklat.

Tauhan
         Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang tao
         Alibughang anak – anak na nagbigay ng hinanakit sa magulang

Tagpuan
  • Golgota – kadalasang sumasagisag sa paghihirap o kamatayan
  • Bundok – pakikipagtagpo sa Diyos (Sampung Utos)
  • Disyerto – pagkauhaw sa Diyos, tukso (Ang Pagtukso kay Jesus ni Satanas

Bagay
  • Krus – pasyon at pagkamatay ni Jesus
  • Prutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)

Pangyayari
  • Kasalan – isang paanyaya sa kaharian ng Diyos

Comments

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO