MGA ELEMENTO NG TULA


A.      Sukat – ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
B.      Tugma – ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog o ng mga huling salita sa bawat taludtod ng tula.
C.       Tayutay o Matatalinhagang Salita – sinadya at malikhaing paggamit ng mga salita at paghahambing na hindi literal. Nalilikha ito ng orihinal, masidhi at hindi inaasahang imahel at pag-uugnayan. Tinatawag din itong figurative language o metaphorical language sa Ingles.
D.      Larawang-Diwa (Image o Imagery) Ito ang pinakapuso ng panulaan. Ito ay tumutukoy sa muling paglikha ng makata ng anumang karanasan dulot ng iba’t ibang pandama sa pamamagitan ng mga salita. Iniiwan nito sa mambabasa ang mga tiyak at malinaw na larawan.
E.      Simbolismo (Poetic Symbol) – Ito ay mga tunay o konkretong imahen na sumusulong sa atin na isipin ang kahulugang napapaloob dito.

Comments

  1. ano nga poba ang anyo ng elemento ng tula...??? dahil po sa elemento ng tula ay kasama sa anyo.,.. pero kinakailangan ko ng sagot at halimbawa

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya