TEORYANG PAMPANITIKAN

1.      Teoryang Humanismo
a.      Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran
b.      Pananaw Humanismo
1)      Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa rito.
2)      Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino – kakayahan at kalikasan ng tao.
3)      Para sa humanista ang literature ay kailangang
1.      Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa genre nito
2.      May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo
3.      Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
4.      Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
5.      May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan (pisikal, moral, sikolohikal)
2.      Teoryang Formalistiko
a.      Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
b.      Pananaw Formalistiko
1)      Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.
2)      Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan.
3)      May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay kaugnay ng iba pang elemento; magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang maging mahusay ang akda.
3.      Teoryang Imahismo
a.      Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng nakapaloob sa akda.
b.      Pananaw Imahismo
1)      Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na paksa sa kanyang akda/tula.
2)      Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
3)      Malinaw ang mga epekto nito.
4)      Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.
4.      Teoryang Realismo
a.      Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay parang natural.
b.      Pananaw Realismo
1)      Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.
2)      Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
3)      Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political, atbp)
4)      Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
5)      Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
6)      Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa pagkakalugmok nito.
5.      Teoryang Feminismo
a.      Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang patriarchal sa kababaihan.
b.      Pananaw Feminismo
1)      Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae.
2)      Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa matapat na pamamaraan.
3)      Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.
4)      Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
5)      Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.
6.      Teoryang Sosyolohikal
a.      Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
b.      Sa pananaw na ito’y mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda.
c.       Pananaw Sosyolohikal
1)      Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamatitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
2)      Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin  ang naging pangunahing paksa rito.
3)      Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo,  at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.
7.      Teoryang Eksistensyalismo
a.      Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ng akda batay sa lakas ng paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na Makita ang pagtanggap niya sa nagging bunga ng pansariling pagsisikap.
b.      Pananaw Eksistensyalismo
1)      Malaya ang tao – siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya gugugulin ang panahon niya habang siya ay buhay.
2)      Responsible ang tao – siya lamang ang responsible sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay para sa kanyang kabutihan o kasamaan.
3)      Indibidwal ang tao – walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin, kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
4)      Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa pinag-usapan.
5)      Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
6)      Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap niya sa naging bunga ng pagpapasya.
8.      Teoryang Romantisismo
a.      Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral ditto ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal. Ang teoryang romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay. Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalalrawan.
b.      Pananaw Romantisismo
1)      Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2)      Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang kagandahan.
3)      Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang paniniwala ng mga romantiko.
4)      Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.
1.      Karakter na sobrenatural o romantiko
2.      Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
3.      Mababa o kanayunang buhay
4.      Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang Panahon
9.      Teoryang Naturalismo
a.      Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.
b.      Pananaw Naturalismo
1)      Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awing kagubatan.
2)      Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
3)      Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
4)      Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa lamang.
5)      Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
6)      Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral.
7)      Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.
10.  Teoryang Dekonstruksyon
a.      Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.

Comments

  1. Nakatulong po talaga ito sa akin! :D Ang hirap maghanap ng maayos, at magandang pagpapaliwanag sa mga teoryang pampanitikan. Salamat po sa pag-share nito! :)

    ReplyDelete
  2. salamat po! :) Nakatulong po ito sa pagsagot ng aking takdang-aralin.

    ReplyDelete
  3. hai nga pala kay ruby jane tormon!!

    salamat po sa pag post :D

    ReplyDelete
  4. wala po bang Teoryang Pilosopikal ?

    ReplyDelete
  5. Salamat sa impormasyon. Ilagay po ang awtor o may-akda na nagbigay ng depinisyon. At magbigay po ng ilang halimbawa ng akda (maikling kuwento, pelikula o iba pa) upang mas makakalap ng karagdagang datos ang mga bumibisita sa inyong hanguang elektroniko.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya