Pagsusuri ng Nobelang Itinakda

GABAY PARA SA PAGSUSURI NG NOBELA
(Desaparecido at Bulaklak sa City Jail)

I.                   Introduksyon
A.    Maikling Talambuhay ng May-akda – Lualhati Bautista
B.     Mga Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat ng Nobela
II.                Mahahalagang talasalitaang dapat maunawaan ng mambabasa
III.             Pagsusuri ng mahahalagang tauhan

Tauhan
Ang kanyang mga ginawa
Ang dahilan ng kanyang kilos o ginawa
Tauhan 1


Tauhan ...


IV.             Buod ng nobela (BAWAT KABANATA) – Subuking sagutin ang mga tanong na sino, saan, kailan, ano, bakit at paano. (minimum ng limang pangungusap)
V.                Pagsusuri ng Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa
A.    Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad kung bakit mahalaga ang mga ito.)
B.     Bisa sa Damdamin(Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito sa sarili mong pagkatao)
C.     Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa tingin mo ay dapat na palakasin batay sa mga pangyayari sa nobela)
VI.             Pagususri ng Tema ng Nobela
Ang tema ng nobela ay _________________________________________________
Ang mga pagpapatunay o detalye kaugnay ng tema:
1.
2.
VII.          Pagsusuri sa Layunin ng May-akda
A.                Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang sarili?
Mga Detalye ng Pagpapatunay
B.                 Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa kanyang mambabasa?
Mga Detalye ng Pagpapatunay
C.                 Ano kaya ang layunin ng may-akda para sa lipunan at sa pangkalahatan?
Mga Detalye ng Pagpapatunay
VIII.       Paggamit ng mga Teoryang Pampanitikan – Suriin ang mga ginamit na teoryang pampanitikan. Piliin yaong ginamit at angkop lamang sa akda at lagyan ng nararapat na patunay buhat sa aklat.
1.      Humanismo                                                             
2.      Imahismo                                                                
3.      Realismo                                                                 
4.      Romantisismo.                                                        
5.      Eksistensyalismo                                                     
6.      Naturalismo                                                             
7.      Sosyolohikal / Kamalayang Panlipunan                  
8.      Feminismo                                                               
9.      Dekonstruksyon                                                      
10.  Simbolismo                                                             
IX.             Pansariling reaksyon
Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na gusto mong isagawa o isapuso? Ano ang naging bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na iyong ginagalawan?

Comments

  1. Baka meron po aklat para sa pagsusuri ng kwento o nobela,
    Ano po pamagat ng libro at sini may akda,
    At san ba makakabili, salamat

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya