Mahahalagang Konsepto sa Tula

1.       Denotasyon Ito ay ang tunay na kahulugan ng salita na karaniwang makikita sa talatinigan o diksyunaryo.
2.      Diksyon  Ang mga salitang pinipiling gamitin ng makata o kahit sinong manunulat .
3.       Dramatikong monologo Ito ay pagsasalita ng persona sa mga manonood (tahimik at hindi nakikita) upang ipahayag ang kanyang damdamin o kaisipan o kaya ay isang madulang bahagi ng kanyang buhay.
4.       Konotasyon Ito ang pag-uugnay ng  damdamin, kaasalan, at imahen sa isang salita. Maaari itong positibo o negatibo. Halimbawa: buwaya – taong sakim o gahaman; anghel – taong mababait at uliran
5.      Paraprase  Ito ay ang paglilipat ng tula sa tuluyan sa pamamagitan ng pagbigay ng linaw sa mga salita, sa mga bahagi nito, o maging sa kabuuan ng tula.
6.       Persona Ang tauhang nagsasalita sa tula.
7.      Poetic License  Ito ay ang karapatan ng makatang umiwas sa talatag ng mga pamantayan at/o mga tuntunin upang magkaroon ng ibang bias o epekto. Halimbawa nito ay ang paggamit ng bagong salita o kaya’y paggamit ng pangngalan bilang pandiwa. Malaya rin ang makata sa palaugnayan o sintaks at sa pagsasaayos ng mga saita sa panungusap. Kung minsan may tulang binubuo lamang ng mga salita at parirala kaysa kompletong pangungusap. Depende ito sa istilo at porma ng tula.
8.      Saknong Ito ang talata ng tula o kalipunan ng mga taludtod na karaniwang magkakatugma at nagpapahayag ng isang kaisipan o bahagi ng paksang tinataglay ng tula. 2 – kopla; 3 – terseto; 4 – kwarteto; 5 – kinteto; at 6 – sesteto
9.      Sukat Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.
10.  Taludtod Ang tawag sa hanay ng mga tula.
11.  Tugma Ito ang tunog sa dulo ng taludtod ng tula na kahimig ng mga dulo ng mga ibang taludtod sa loob ng isang estropa. Tugmang ganap ay iyong may tugmang pare-pareho. Magkakatugma ang mga salita kung nagtatapos ang huling pantig sa mga katinig na B, K, D, G, P, S at T. Magkakatugma rin ang mga salita kung nagtatapos ang huling pantig sa mga katinig na M, NG, N, W, L, Y at R. Magkatugma rin ang mga nagtatapos sa patinig na malumay at mabilis, gayundin ang malumi at maragsa na kapwa nagtatapos sa impit na tunog.
12.  Untol o Sesura Ito ang katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig ng isang pangkat ng mga salitang may iba’t ibang pantig sa loob ng isang taludtod.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya