Ang Pagkilos sa Tanghalan
Ang wastong pagkilos o paggalaw sa tanghalan o entablado ay nagpapabatid ng isang kaisipan o damdamin sa mga manonood. Bawat pagkilos ng tauhan, pagbabago ng tagpuan, o paglalabas-pasok ng mga tauhan ay kinakailang mahalaga at may sapat na dahilan. Nakatutulong ang angkop na paggalaw upang maging malinaw sa mga manonood ang patutunguhan ng dula.
Sangkap ng Pagkilos sa Tanghalan
1. Oras o Timing – Tama ba at angkop ang tiyempo ng pagpasok ng isang artista upang bigyang-buhay ang kanyang papel na gagampanan?
2. Bigat – Naaayon ba sa bigat na hinihingi ng papel ng artista ang kanyang pagganap?
3. Lawak – Angkop ba ang saklaw o hangganan ng paggalaw ng artista?
Uri ng Pagkilos | Katangian | Halimbawa | Damdamin |
1. Punch | Mabigat, tuwid, mabilis | Pagtadyak, pagsuntok | Pagkagalit, karahasan |
2. Dab | Magaan, mabilis, tuwid | Pagtugtog ng piano, pagpapatalbog ng bola | Pagkalito, pagkamali-mali |
3. Press | Mabagal, tuwid, padiin, mabigat na mariin | Pamamalantsa, pagtulak ng kariton | Paghihimagsik |
4. Slash | Mabigat, mabilis, paikot | Pagsampal, pag-ilag | Pagkapoot, pagkabigla |
5. Float | Palutang na magaan, mabagal | Pagkaengkanto, pangangarap | Masaya |
6. Flick | Magaan, mabilis, paikot | Pagsasayaw ng ballet | Masaya |
7. Glide | Magaan, mabilis, tuwid | Pagtakbo | Masaya |
Comments
Post a Comment