ANG PAGBABASA NG DULA

Ang pagbabasa ng dula ay iba sa pagbabasa ng maikling kwento o nobela. Sa dula ay walang gaanong paglalarawan ng tagpuan o mga tauhan, sa halip, ang kabuuan ng dula ay isinasalaysay sa pamamagitan ng diyalogo at direksyong pantanghalan.

BAGO BUMASA

Bago basahin ang dula ay kinakailangang isagawa muna ang mga sumusunod na hakbang:

1.      Pagtiyak ng Layunin. Subuking sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1) Anu-ano ang mga katangian ng mga pangunahing tauha at anu-ano ang kaugnayan nila sa isa’t isa?; 2) Ano ang pangunahing tunggalian at paano ito nalutas?; 3) Ano ang tema ng dula?

2.      Pahapyaw na pagbasa. Humanap ng mga palatandaan tungkol sa dula tulad ng:

a.       Ang pamagat at ang sumulat nito

b.      Ang mga tauhang bumubuo sa dula

c.       Ang pangkalahatang tagpuan

d.      Ang bilang ng mga pahina, mga yugto at mga tagpo

e.       Iba pang karagdagang kaalaman, mga larawan o ilustrasyon

3.      Magplano. Gamitin mo sa mga kaalamang nabatid tungkol sa dula para sa masusing pagbasa nito. Ang pinakamabuting estratehiya ay ang paglilikom ng tala o pagpapagana ng imahinasyon sa direksyong pantanghalan at kilos.

HABANG NAGBABASA

1.      Bumasa nang may itinakdang layunin. Sikaping sagutan ang mga katanungang inilahad bago bumasa.

2.      Iugnay ang binabasa sa sarili. Bigyan ng panahon ang sariling makapagbulaybulay tungkol sa iyong binasa. Isulat ang iyong mga iniisip o itala ang ilang mahahalagang puntos tungkol sa iyong damdamin ukol sa ilang tauhan at sa dula sa kabuuan.

PAGKATAPOS BUMASA

1.      Huminto at magnilay. Alamin kung sapat na ang kaalaman tungkol sa dula. Itanong sa sarili ang mga sumusunod;

a.       Mailalarawan ko ba ang mga pangunahing tauhan?

b.      Mailalahad ko ba ang pangunahing tunggalian sa dulat at maibubuod ang banghay nito?

c.       Ano ang pangunahing mensahe, o tema, ng dula?

d.      May mga bahagi ba ang dula na nakalilito sa akin?

2.      Basahing muli ang dula. Pagtuunan ang mga piling bahagi ng dula. Maaaring isa itong eksena o usapan na nahirapan kang unawain.

3.      Tandaan. Kung minsan nagbabasa ka ng dula upang maaliw lamang. Subalit, may pagkakataong aatasan ka ng iyong guro na gumawa ng ulat o papel tungkol dito. Mahalagang matandaan mo ang iyong binasa o anumang bahaging nakapukaw ng iyong interes.

Tuon sa Tema

1.      Alamin ang mahahalagang kaalaman o paksa ng dula

2.      Alamin ang sinasabi ng tauhan na kauganay sa pangunahing paksa.

3.      Bumuo ng isang pangungusap tungkol sa pananaw ng may-akda o mensahe tungkol sa paksa.

Tuon sa Wikang Ginamit

1.      Alamin ang mga pangunahing linya o talumpati sa dula.

2.      Alamin ang direksyong pantanghalan.

3.      Alamin ang nilalaman ng dula batay sa diyalogo at ang kaugnayan nito sa mga tauhan, banghay o tema.



Sangunian: Reader’s Handbook : A Student Guide to Reading and Learning, 2002. Great Source Education Company.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

Simbolismo at Alegorya