Mga Arketayp o Arketipong Simbolo
Mga Arketayp/ Arketipong Simbolo - Ang mga arketayp ay kadalasang kinakatawan sa sining at panitikan bilang mga simbolo. Ang ilang karaniwang arketayp ay ang mga sumusunod: 1. Tubig - Kumakatawan sa ilang ideya tulad ng: kahiwagaan ng paglalang; pagsilang – kamatayan – muling pagkabuhay; paglilinis at/o pagliligtas; pagkamabunga at paglago. a. Ang Dagat- ang Ina ng Buhay; kahiwagaan ispiritwal at kawalang-hanggan; kamatayan at pagkabuhay; panghabambuhay; ang kawalang-malay. b. Mga Ilog - kamatayan at pagkabuhay muli; pagbibinyag; ang pagdaloy ng panahon; transisyon ng siklo ng buhay; paglalang ng mga diyus-diyusan. 2. Ang Araw (Ang Apoy at Kalangitan ay lubhang magkaugnay) - Ang araw ay kumakatawan sa enerhiyang malikhain; batas ng kalikasan; kamalayan (pag-iisip, kaliwanagan ng isip, karunungan, pananaw ispiritwal); prinsipyo ng ama; paglipas ng panahon at buhay a. Pagsikat ng araw- pagsilang, paglalang at kaliwa