Posts

Showing posts from 2012

Mga Arketayp o Arketipong Simbolo

Image
Mga Arketayp/ Arketipong Simbolo - Ang mga arketayp ay kadalasang kinakatawan sa sining at panitikan bilang mga simbolo. Ang ilang karaniwang arketayp ay ang mga sumusunod:    1. Tubig  - Kumakatawan sa ilang ideya tulad ng: kahiwagaan ng paglalang; pagsilang – kamatayan – muling pagkabuhay; paglilinis at/o pagliligtas; pagkamabunga at paglago. a.       Ang Dagat- ang Ina ng Buhay; kahiwagaan ispiritwal at kawalang-hanggan; kamatayan at pagkabuhay; panghabambuhay; ang kawalang-malay. b.      Mga Ilog - kamatayan at pagkabuhay muli; pagbibinyag; ang pagdaloy ng panahon; transisyon ng siklo ng buhay; paglalang ng mga diyus-diyusan. 2. Ang Araw (Ang Apoy at Kalangitan ay lubhang magkaugnay) - Ang araw ay kumakatawan sa enerhiyang malikhain; batas ng kalikasan; kamalayan (pag-iisip,  kaliwanagan ng isip, karunungan, pananaw ispiritwal); prinsipyo ng ama; paglipas ng panahon at buhay a.       Pagsikat ng araw- pagsilang, paglalang at kaliwa

MGA TIP SA PAGSULAT NG MAIKLING KWENTO

1.   Mga Mungkahi Upang Madaling Makapagsulat ng Kwento Hinihingi na ng guro ang iyong proyektong kwento? Wala ka pang naisusulat. Wag kang magmukmok. Heto ang ilang punto upang makabuo ka ng sariling kwento. Tandaan: Huwag kang mangongopya ng kwento ng iba, maaari kang humiram ng ideya subalit hindi ng buong obra. a.    Sino ang iyong pangunahing tauhan (protagonista)? Ano ang gusto niyang gawin? b.   Ano ang mga gagawin niyang pagkilos upang matupad ang kanyang nais na mangyari? c.    Ano ang mga hindi inaasahang pangyayari – kaugnay sa ikinilos protagonist – ang magpapaigting sa damdamin ng kwento? d.   Anu-anong mga detalye sa tagpuan, usapan at umiiral na damdamin ang makatutulong upang mabuo mo ang iyong kwento? e.    Anong desisyon ang gagawin ng iyong tauhan sa kasukdulan ng kwento? (Nararapat lamang na makatarungan ang desisyong ito at hindi inaasahan ng mga mambabasa.)Ipakita ito sa mahusay na paggamit ng mga salita upang gisingin ang damdamin ng mga bu

Simbolismo at Alegorya

Ano ang sagisag o simbolo? Ang simbolo ay isang ordinayong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan. Saan nagmula ang mga simbolo? a.     Mga karaniwang simbolo – ay mga namana o ipinamana sa atin mula  pa sa iba’t ibang salin-lahi. Kilalang-kilala o madaling tandaan ang mga simbolong ito at kadalasang natatagpuan sa sining o literatura. Halimbawa: pusang itim (malas), kalapati (kapayapaan), puso (pag-ibig), atb. b.    Mga Simbolong Nilikha – ang mga ito ay nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang maipahayag ang kanilang ideya. Kapag naging kilala na ang mga ito ay nagiging karaniwang simbolo na rin. Halimbawa – Maria Clara (mahinhing Pilipina), Sisa (baliw) Saan natin nakuha ang mga simbolo? Mga Simbolo sa Panitikan - gumagamit ng simbolo ang manunulat upang •          magpahayag ng kahulugang hindi kayang ipahayag ng literal na pagpapakahulugan, •          makuhang ganap ang emosyon at imahinasyon ng mga m

LEKTYUR O PANAYAM SA SINING NG MAIKLING KWENTO

1.     Tauhan - Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa kwento. Sila ay may mga motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa dapat nilang gampanan. 2.     Mga Uri ng Tauhan Tauhang Lapad  (Flat) - Ang tauhang lapad ay walang pagbabago. Stereotype o karaniwan ang kanyang karakter. Tauhang  Bilog (Round) - Ang tauhang bilog ay may kalaliman ang pag-iisip na ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya. May iba’t iba siyang mga katangian na mahirap makilala. Kailangang tuklasin di tulad ng lapad na tauhan na may katangiang litaw na litaw. Tauhang Static (Hindi Nagbabago) - Napananatili nila ang kanilang katangian sa kabuuan ng kwento. Tauhang Dynamic (Nagbabago) - Tauhang nagbabago, naliliwanagan, umuusbong o nasisira. 3.     Uri ng Pagsasatauhan a.     Pisikal na kilos o anyo b.     Pag-iisip at paniniwala c.     Asal at reaksyon sa sitwasyon d.     Pananalita at komentaryo e.