MGA ELEMENTO NG TULA
A. Sukat – ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. B. Tugma – ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog o ng mga huling salita sa bawat taludtod ng tula. C. Tayutay o Matatalinhagang Salita – sinadya at malikhaing paggamit ng mga salita at paghahambing na hindi literal. Nalilikha ito ng orihinal, masidhi at hindi inaasahang imahel at pag-uugnayan. Tinatawag din itong figurative language o metaphorical language sa Ingles. D. Larawang-Diwa (Image o Imagery) Ito ang pinakapuso ng panulaan. Ito ay tumutukoy sa muling paglikha ng makata ng anumang karanasan dulot ng iba’t ibang pandama sa pamamagitan ng mga salita. Iniiwan nito sa mambabasa ang mga tiyak at malinaw na larawan. E. Simbolismo (Poetic Symbol) – Ito ay mga tunay o konkretong imahen na sumusulong sa atin na isipin ang kahulugang napapaloob dito.