Ang Paggamit ng Tayutay
I. Ang Paggamit ng Tayutay A. Hiwatig ng pananalita Kung minsan ang makata ay may nais ipahayag nang hindi lantad sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng pamamagitan ng pagbibigay ng mga pahiwatig, maaring mga tanda o matatalinhagang pananalita, ay nasasabi niya nang mahusay ang nais niyang sabihin. B. Ang mga Tayutay Ang tayutay ay mga pahayag na ginagamit ng makata o manunulat man upang sadyang ilayo sa karaniwang paggamit ang mga salita nang sa gayon ay nagkakaroon ito ng hindi lantad o nakatagong kahulugan. Natutulungan nitong maging masining, maganda at malalim ang kahulugan ng isang akda. MATATALINHAGANG PANANALITA O TAYUTAY GAMIT SA PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING 1. Simili o Pagtutulad (Simile) Ito ay simple at lantad na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay (tao sa hayop, tao sa bagay, kalagayan sa bagay. atbp. Ginagamitan ito ng mga salitang pantulad tulad ng mga sumusunod: a. tulad ng mistulang kamukha ng b. t