Posts

Showing posts from August, 2011

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

1.     Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangin ng tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)? 2.     Istorya o Kwento – May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o ito’y isang gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na maunawaan ng mga manonood?   3.     Diyalogo – Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba ang lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari? 4.     Titulo o pamagat – Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat? 5.     Sinematograpiya – Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento? 6.     Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay n

Ang Pagkilos sa Tanghalan

Ang wastong pagkilos o paggalaw sa tanghalan o entablado ay nagpapabatid ng isang kaisipan o damdamin sa mga manonood. Bawat pagkilos ng tauhan, pagbabago ng tagpuan, o paglalabas-pasok ng mga tauhan ay kinakailang mahalaga at may sapat na dahilan. Nakatutulong ang angkop na paggalaw upang maging malinaw sa mga manonood ang patutunguhan ng dula. Sangkap ng Pagkilos sa Tanghalan 1.       Oras o Timing – Tama ba at angkop ang tiyempo ng pagpasok ng isang artista upang bigyang-buhay ang kanyang papel na gagampanan? 2.       Bigat – Naaayon ba sa bigat na hinihingi ng papel ng artista ang kanyang pagganap? 3.       Lawak – Angkop ba ang saklaw o hangganan ng paggalaw ng artista? Uri ng Pagkilos Katangian Halimbawa Damdamin 1.       Punch Mabigat, tuwid, mabilis Pagtadyak, pagsuntok Pagkagalit, karahasan 2.       Dab Magaan, mabilis, tuwid Pagtugtog ng piano, pagpapatalbog ng bola Pagkalito, pagkamali-ma

ANG PAGBABASA NG DULA

Ang pagbabasa ng dula ay iba sa pagbabasa ng maikling kwento o nobela. Sa dula ay walang gaanong paglalarawan ng tagpuan o mga tauhan, sa halip, ang kabuuan ng dula ay isinasalaysay sa pamamagitan ng diyalogo at direksyong pantanghalan . BAGO BUMASA Bago basahin ang dula ay kinakailangang isagawa muna ang mga sumusunod na hakbang: 1.       Pagtiyak ng Layunin. Subuking sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1) Anu-ano ang mga katangian ng mga pangunahing tauha at anu-ano ang kaugnayan nila sa isa’t isa?; 2) Ano ang pangunahing tunggalian at paano ito nalutas?; 3) Ano ang tema ng dula? 2.       Pahapyaw na pagbasa. Humanap ng mga palatandaan tungkol sa dula tulad ng: a.        Ang pamagat at ang sumulat nito b.       Ang mga tauhang bumubuo sa dula c.        Ang pangkalahatang tagpuan d.       Ang bilang ng mga pahina, mga yugto at mga tagpo e.        Iba pang karagdagang kaalaman, mga larawan o ilustrasyon 3.       Magplano. Gamitin mo sa mga kaalamang nabatid tungkol sa dula

sining at agham ng pag-aaral ng dula

SINING AT AGHAM NG PAG-AARAL NG DULA Introduksyon Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay. Ayon nga kay Aristotle, isang pilosopong Griyego, ito ay imitasyon o panggagagad ng buhay. Kaya nga inaangkin ng dula ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin. Mahalagang sangkap sa buhay ng tao ang pagtataglay ng suliranin o problema sapagkat ito ang nagbibigay ng kulay sa buhay. Ang suliranin ay maaaring likas o umiiral at maaari ring likha lamang. Ang anyo ng dula ay ayon sa gumagalaw na tauhan at sa kanilang dayalogo o sinasabi. Katuturan ng Dula Ang dula ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento. Ito’y may tawag na hango sa salitang Griyego—Drama– nangangahulugang gawin o ikilos (Rubel). Ito ay isang uri ng panitikang nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang pinakamahalagang layunin ng panitikang ito ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matututuhan ng isang manunuri o kritiko ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Isang laraw